--Ads--

Pinangunahan ni Northe Korean Leader Kim Jong Un ang pagsubok ng strategic cruise missiles mula sa bagong 5,000-tons destroyer na Choe Hyon bago pa man ito opisyal na ilunsad sa Nampo Shipyard. Tinukoy niya ang test bilang pangunahing bahagi ng kakayahan ng barko at simbolo ng depensa sa dagat ng North Korea.

Hinimok ni Kim ang paggawa ng mas maraming warships at nagpahayag na patuloy ang progreso ng navy sa paggamit ng nuclear weapons. Binanggit ng media na mabilis na advancement ng hukbong pandagat sa pag-atake mula sa ibabaw at ilalim ng tubig.

Noong Mayo 2025, nakaranas ng setback ang programa nang isang Choe Hyon-class destroyer ang lumubog sa isang failed launch sa Chongjin Shipyard.

Ang missile test ay kasunod ng pangako ni Kim na itataas ang antas ng pamumuhay ng mamamayan at palalakasin ang ekonomiya sa gitna ng matinding prayoridad sa militar.

--Ads--