--Ads--

Ikinatuwa ni Player of the Game Kim Kianna Dy ng PLDT High Speed Hitters ang mainit na pagtanggap ng mga Isabeleño sa kanilang koponanan at sa iba pang team na bahagi ng Philippine Volleyball League (PVL).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kim Kianna Dy, sinabi niya na very welcoming ang mga tao sa lungsod kaya naman na-enjoy umano nila ang kanilang pananatili sa Ilagan City.

Umaasa naman siya na makabalik sila sa lungsod at makapag-laro muli.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga tagahangang naglaan ng oras upang subaybayan ang kanilang laro.

--Ads--

Pinuri din nito ang kanilang katunggali na Choco Mucho Flying Titans na nagbigay ng magandang laban sa edisyong ito ng PVL on tour.