--Ads--

Kinoronahan ang pambato ng Pilipinas na si Kirk Bondad, 28, bilang Mister International 2025 na ginanap sa MCC Hall, Nonthaburi, Thailand nitong Huwebes ng gabi, September 25, 2025.

First runner-up sa Mister International 2025 ang kinatawan ng Lebanon na si Saadedine Hneinehn, na tumanggap din ng Best in Swimwear special award.

Second runner-up ang crowd favorite na si Seung Hoi Choi ng South Korea.

Third runner-up si Mister Nigeria Bethel Mbamara.

--Ads--

Fourth runners-up sina Mister Costa Rica Roberto Mena at Mister Thailand Kanapol Treesongkiat, na nagwagi ring Best in National Costume.

Ang pagkapanalo ni Bondad sa 17th edition ng Mister International ay itinuturing na kapalit ng kaniyang pagkabigong makuha ang titulo nang siya ay maging kinatawan ng Pilipinas sa Mister World noong 2024.

Si Kirk ang pinakahuling tinawag sa Top 20 candidates kaya labis na kinabahan ang kanyang mga tagasuporta.

Sina Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo, Mister International 2023 Kim Goodburn, at Anusith Sangnimnuan ang mga hosts ng Mister International 2025.

Ito na ang pangalawang korona ng bansa sa Mister International matapos makuha ni Neil Perez ang titulo noong 2014.