--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinansela ng City Government ng Ilagan City ang klase sa mga paaralan sa barangay Sindon Bayabo para sa seguridad ng mga guro at mag-aaral kaugnay ng naganap kahapon na bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at kasapi ng New People’s Army (NPA).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni City Information Officer Paul Bacungan na balik na sa normal ang sitwasyon sa nasabing barangay at walang naganap na evacuation batay sa pakikipag-ugnayan nila kay Barangay Kapitan Reggie Mateo.

Patuloy ang kanilang monitoring sa lugar at pinayuhan din ang mga opisyal ng barangay na maging handa sa anumang hindi kanais-nais na pangyayari sa kanilang lugar tulad ng naganap na sagupaan.

Nakaalerto ang buong pamahalaang lunsod matapos ang naganap na sagupaan sa barangay Sindon, Bayabo.

--Ads--