--Ads--

CAUAYAN CITY – Posibleng bumalik na sa November 18 ang klase ng mga mag-aaral sa mga campuses ng Isabela State University matapos ang pananalasa ng Bagyong Nika sa lalawigan ng Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Ricmar Aquino, Presidente ng Isabela State University, sinabi niya na ilang mga campuses kasi ng pamantasan ang nakapagtala ng pinsala at pagbaha dahil sa bagyong Nika kung kayat nagkansela muna sila ng klase.

Halimbawa na lamang anya rito ang pagbaha sa ISU San Mateo Campus bunsod ng mga pag-ulang dala ng bagyo at ang pag-apaw ng tubig sa mini dam na nasa likurang bahagi ng Pamantasan.

Mayroon ding naitalang minor damages sa mga gusali ng ISU subalit nagpapasalamat silang walang mga nabasang mga computers at iba pang mahahalagang kagamitan at dokumento sa pamantasan.

--Ads--

Nagsasagawa na rin sila ng clearing operation sa mga natumbang mga puno at poste upang maibalik na rin ang tustos ng kuryente sa mga campuses ng Isabela State University.