--Ads--

CAUAYAN CITY– Walang pasok sa mga private at public schools simula bukas hanggang araw ng Biyernes.

Simula bukas ng hapon araw hanggang Biyernes ay suspendido na ang klase sa lahat ng public and private schools sa Isabela maging ang mga pribado at pampublikong tanggapan matapos pumasok ang bagyong Ompong sa bansa na ang tinutumbok ay ang Northern Luzon.

Batay sa Executive Order number 25-2018 na nilagdaan ni Governor Bogie Dy, napagpasyahan nilang suspendihin ang pasok ng mga mag-aaral para sa kanilang kaligtasan.

Samantala, magpapakawala ng tubig ang Magat dam sa Ramon, Isabela.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Carlo Ablan,Supervising Engineer A ng National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System  dam and reservior Division na sa ngayon ang water level ng magat dam ay 189.42 meters malayo pa sa spilling level na 193 meters.

Subalit nilinaw ni Engineer Ablan na magpapakawala sila ng tubig ganap na alas dos ng hapon bukas para ma-accomodate pa ang ibubuhos na ulan ng bagyong Ompong.