--Ads--

CAUAYAN CITY – Ramdam ang pabugsu-bugsong pag-ulan dulot ng bagyong Ramon habang patuloy kumikilos  patungong Babuyan Island.

Sa naging panyam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Roldan Esdicul, sinabi niya handa ang kanilang tanggapan sa mga maaaring epekto ng bagyo sa  lalawigan lalo na sa  Isla ng Itbayat na  tinamaan ng lindol noong Hulyo 2019.

Wala aniyang nakatira malapit sa mga landslide prone areas at passable pa lahat ng mga daan sa Batanes.

Sinuspindi ang klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan bilang paghahanda sa bagyo.

--Ads--

Ilang araw na ring itinigil ang  biyahe ng mga maliliit na bangka para sa kaligtasan ng mga mamamayan.

Ang tinig ni PDRRMO Roldan Esdicul