--Ads--

Isinugod sa ospital ang komedyante na si MC Muah kamakailan dahil sa naranasang matinding sakit sa kanyang likod.

Bigla na lamang nakaramdam ng grabeng kirot sa lower back si MC kasabay ng hirap sa pag-ihi.

Ito’y dahil pala sa pagkakaroon ng kidney stones na humaharang sa daluyan ng ihi na nagiging sanhi ng nararamdaman niyang sakit.

Nadiskubre rin sa resulta ng kanyang medical test na maliliit ang size ng kanyang kidney stones kaya inirekomenda ng mga doktor sa kanya na sumailalim sa shockwave procedure.

--Ads--

Kung malalaki ang sukat ng kanyang stones baka raw surgery na lang ang tanging option para matanggal ang mga ito.

Sa latest post MC sa social media, ibinahagi niya ang kanyang litrato na kuha sa loob ng kanyang kwarto sa ospital.