--Ads--

Tila double celebration ang naganap para kay Cauayan City Councilor Paolo Eleazar Miko Delmendo matapos siyang muling manumpa bilang opisyal ng City Government of Cauayan, kasabay ng marriage proposal sa kanyang kasintahan.

Umantig sa damdamin ng marami ang public proposal ng konsehal na isinabay sa kanilang oath-taking ceremony, na agad sinagot ng matamis na “yes” ng kaniyang kasintahan na si Dra. Jayvi Ann Pua.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Councilor Delmendo, inamin niyang labis ang kaba niya habang isinasagawa ang marriage proposal.

Nagpasalamat naman siya sa lahat ng sumuporta sa kaniya, maging sa mga patuloy na magiging bahagi ng kanilang bagong yugto bilang magkasintahan.

--Ads--

Samantala, nangako rin siya na sa pag-upo nila sa pwesto bilang mga bagong lider ng Cauayan City ay matutupad ang kanilang mga ipinangako sa nakalipas na halalan.