--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaasahang dudumugin ng mga mamamayan sa Isabela ang konsiyerto ganap na 7:00 p.m. nina Ogie Alcasid, Jed Maddela at ang magka-love team na Janella Salvador at Elmo Magalona sa Isabela State University Cauayan Campus.

Dahil dito mahigpit ang seguridad na ipapatupad sa gaganaping libreng konsiyerto ngayong gabi bilang handog at bahagi ng kaarawan ni Governor Bogie Dy sa mga mamamayan ng Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Rachelle Faith Siyang, Public Information Officer ng bunuong, Incident Management Team (IMT) na pinaghahandaan nila ang mga traffic flow kung saan magmamando ng trapiko ang mga kasapi ng Public Order and Safety Division ( POSD ) katuwang ang mga criminology student.

Mayroon ding mga nakalatagang pulis sa loob at labas kung saan isasagawa ang konsiyerto.

--Ads--

May nakaantabay na mga firetrucks ng BFP at medical team ng Rescue 922 ng Cauayan Cuty at DART Rescue team ng Isabela.