CAUAYAN CITY – Ikinadismaya ng Convenor ng Kontra Daya ang hindi pagkakasama ng ilang party list group na maaring iboto sa darating na 2022 National and Local Elections.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Professor Danilo Arao, Convenor ng Kontra Daya ang kanyang pagkakadismaya dahil hindi lamang minsan na naibasura ang aplikasyon ng Nurses United na mapabilang sa patylist ng health sector habang nakakalusot naman ang ilang partylist group na mga political front ng mga politiko.
Sinabi pa ni Professor Arao na kinukuwestiyon anya ang membership ng naturang party list ng health sector.
Samantalang mayroon naman anyang ilang partylist group na pinaboran ng COMELEC na hindi nabibilang sa marginalized sector dahil ang kanilang nominee ay isang mayamang tao.
Ayon pa kay Professor Arao, inaalam at pinag-aaralan ng COMELEC ang registration, application, track record, profile ng mga party list nominees at kung mainaw ang programa ng binuong Partylist.
Makikita din anya sa profile ng mga party list nominees ang senseridad na katawanin ang kanilang sektor sa KAMARA.
Layunin anya ng party list na magbigay ng proportional representation kahit 20% lang ng kabuuang bilang ng House of representatives na magbibigay boses sa mga marginalized sectors.
Ngunit nangyayari sa kasalukuyan ang Party List System ay parang nagiging mekanismo para magparami ng upuan ang mga political clan at malalaking negosyo.











