--Ads--

CAUAYAN CITY- Kailangang maging transparent ang Comelec sa mga kinakaharap na isyu at maging bukas sa pagbibigay ng impormasyon sa maiinit na isyu.

Kabilang dito ang data breach, ang nangyari sa Mindanao na may mga pinalitang guro na nagsanay na sa pangangasiwa sa Vote Counting Machine ngunit pinalitan ng walang pagsasanay sa paggamit ng VCM.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Professor Danilo Arao, convenor ng Kontra Daya, sinabi niya na nais din nilang mabigyan ng pagkakataong makaboto ang mga nasa isolaton facility para hindi sila madis-enfranchise.

Ang mga naberipika nilang bilihan ng boto ay ipinost nila sa kanilang social media account para magsilbing anecdotal evidence.

--Ads--

Ayon kay Professor Arao, sa araw ng halalan ay maglalabas sila ng midday report at terminal report para ipakita ang kahalagahan ng pagbabantay sa halalan bukas.

Ito aniya ang magtataguyod o sisira sa demokrasya sa bansa.

Bilang watchdog ay trabaho ng Kontra Daya na magmonitor at tingnan ang mga iregularidad sa halalan

Panawagan niya sa publiko na huwag lang bumoto kundi sama-sama sa pagbabantay para maiwasan ang ibat ibang porma na pandaraya.

Bahagi ng pahayag ni Professor Danilo Arao, convenor ng Kontra Daya.