May panawagan ang Election Watchdog na Kontra Daya kaugnay sa pagpapahintulot na ng Comelec sa pamamahagi ng mga t-shirt at candy sa mga botante.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Prof. Danilo Arao, Convenor ng Kontra Daya sinabi niya na kung maging istrikto lang ang Comelec ay maging sa pagbibigay ng mga kandidato ng T-shirts ay para lamang sa kanilang mga supporter.
Sa aktwal aniyang nangyayari ay naipapamahagi ang mga ito kahit sa mga botante.
Nararapat na may conscious effort ang Comelec sa pagtukoy kung magkano ang ginastos ng mga kandidato lalo na sa mga local candidates.
Huwag aniyang kalimutan ang price cap sa election spending na dapat nakadipende sa voting population ng isang lugar.
Mas maganda na lamang umanong gumastos ang mga kandidato sa mga isinasagawang rally kung saan napag-uusapan ang mga isyung panlipunan at pag-imprenta ng mga plataporma na maipapakita sa mga botante.
Tiniyak ni Prof. Arao na tinututukan ngayon ng Kontra Daya ang ibat-ibang uri o paraan ng pandaraya sa halalan.
Batay sa mga nakuha nilang impormasyon, 60% ng mga naitalang insidente sa campaign period ay red tagging at may ilang insidente na rin ng vote buying, illegal campaign activities at misuse and abuse of government resources.
Nakakaalarma aniya na 60% sa mga naitalang insidente ay nauugnay sa red tagging.