--Ads--

Hiniling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paliwanag mula sa St. Timothy Construction Corporation kaugnay ng umano’y palpak na flood control project sa Calumpit, Bulacan.

Ginawa ni Pres. Marcos ang pahayag matapos ang inspeksyon sa proyekto ng Rehabilitation of the River Protection Structure sa Barangay Bulusan, na may halagang mahigit ₱96.4 milyon.

Ayon sa Pangulo, ang Bulacan ang may pinakamaraming flood control projects sa bansa umabot sa 668.

Sa parehong inspeksyon, ibinunyag ng Pangulo na walang isinagawang dredging o desiltation sa lugar, taliwas sa kontrata.

--Ads--

Kasunod neto ay nag-utos siya ng deployment ng scuba divers para siyasatin ang proyekto.

Ayon sa Presidential Communications Office, may residente ring nagsumite ng liham sa Pangulo ukol sa umano’y substandard na materyales na ginamit sa proyekto.

Samantala, isa pang flood control project ang ininspeksyon ng Pangulo. Dito, nakita ang isla sa gitna ng ilog na tinutubuan na ng damo patunay umano na matagal nang walang dredging.

Binatikos din niya ang kapal ng semento sa proyekto, na aniya’y malayo sa 18 cm na dapat sukat para sa matibay na konstruksyon.

Noong Lunes, isiniwalat ng Pangulo na 20% ng ₱545 bilyong flood control budget ay napunta lamang sa 15 kontratista kasama na ang St. Timothy Construction.