--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang dalawang tsuper matapos ang nangyaring aksidente sa  Maharlika Highway, Barangay San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office sangkot sa aksidente ang isang Toyota Innova, na pagmamay-ari at minamaneho ni Noel Ringpis Cuaresma, 61- anyos, may asawa, retired government employee at residente ng Barangay Osmeña, Solano, Nueva Vizcaya.

Habang sangkot din sa aksidente ang isang kotse na minamaneho naman ni Albert Esteller Castro, 28- anyso, may asawa,  freelance contractor at residente ng Barangay Lawig, Lamut, Ifugao.  

Lumalabas sa insiyal na imbestigasyon ng mga otoridad na ang dalawang sangkot na sasakyan ay binabaybay ang kalsada ang timog na direksyon patungo sa bayan ng Bambang.

--Ads--

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bigla umanong  lumiko pakaliwa ang Innova patungo sa parking lot ng isang kainan.

Ngunit habang nasa opposite most outer lane ang sasakyan ay nag-overtake ang sumusunod na kotse dahilan upang aksidenteng mabangga nito ang kaliwang bahagi ng Innova.

Dahil sa lakas ng bangaan ay bumaliktad ang kotse at nagtamo ng sugat sa iba’t- ibang bahagi ng katawan ang driver na agad namang isinugod sa pagamutan.

Nagtamo din ng minor injury ang isa pang sangkot na tsuper.