--Ads--

CAUAYAN CITY – Sugatan ang tatlong katao sa pagbangga ng kotse sa isang motorsiklo sa Barangay Napaccu Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Ang mga sangkot sa aksidente ang isang kotse na minaneho ni Gerald Agustin ng Barangay Palattao, Naguilian, Isabela at ang motorsiklo na minaneho ni Roberto Lazaga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Jefferson  Dalayap, Deputy Chief of Police ng Reina Mercedes Police Station, sinabi niya na lumalabas kanilang paunang pagsisiyasat na ihahatid lang sana sa ospital ni Agustin ang kaniyang tatay na inatake ng hypertension.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nag-overtake umano ang kotse sa isang malaking sasakyan subalit nawalan ito ng kontrol sa manibela si Agustin hanggang sa salpukin ang sinusundan na motorsiklo.

--Ads--

Sa lakas ng pagkakabangga ay nawasak ang motorsiklo at tumilapon ang mga sakay nito habang nagkayupi-yupi naman ang kotse matapos sumalpok sa pader ng Barangay Hall.

Nagpapagaling na sa pagamutan si Lazaga matapos magtamo ng matinding sugat habang minor injuries lamang ang natamo ng kanyang back rider.

Ang tsuper naman ng kotse na si Agustin ay nagtamo ng sugat sa mukha at nasa pangangalaga na ng Reina Mercedes Police Station habang nasa maayos nang kalagayan ang kanyang tatay na ihahatid sana sa ospital.