--Ads--
Nasunog ang isang Kubo sa Prenza Highway, Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela nitong gabi ng Pebrero 1, 2026.
Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan, ang nasunog na kubo ay malapit sa poste ng kuryente kaya agad itong inapula ng kanilang mga kawani.
Dahil gawa sa light materials ang kubo ay mabilis na lumaki ang apoy at kung hindi ito naagapan agad ay maaari umano nitong maapektuhan ang poste at kable ng kuryente na malapit dito.
Hindi pa naman matukoy ng mga awtoridad ang tunay na sanhi ng sunog subalit isa sa mga tinitingnan nilang dahilan ay ang posibilidad umano ng naiwan o inihagis na upos ng sigarilyo sa naturang kubo.
--Ads--











