CAUAYAN CITY – Ipinakulong ang isang dalaga makaraang hindi makapagbayad ng kanyang hotel bill sa Santiago City
Dinakip ang pinaghihinalaan na itinago sa pangalang Gelay 33 anyos, dalaga, walang trabaho at residente ng Babtista Village, Calao East, Santiago City.
September 18, 2017 ay nag-check-in Gelay sa isang hotel o bahay pahingaan na pag-aari ni Ginang Pacita Herrera ng Barangay Divisoria, Santiago City at hanggang ngayon ay hindi pa nagbabayad ng kanyang bill.
Umabot ng P/18,000.00 ang bill ng dalaga nasabing hotel kabilang na ang hindi nabayarang mga pagkain sa loob ng 21 araw na naka-check-in.
Umalis ang dalaga sa nasabing hotel ngunit bumalik kaya’t dinala na ni Ginang Herrera sa Station one ng Santiago City Police Office.
Nakatakdang sampahan ng kasong estafa ang babae.
Inihayag ng suspek sa Bombo Radyo Cauayan na mayroon siyang suliranin sa kanyang pamilya kayat nagpasyang tumira pansamantala sa nasabing hotel.




