Aminado ang National Commission on Indigenous People o NCIP na unti-unti nang nawawala ang kultura ng mga IP Community dahil sa social media at gadgets.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Roy Layao, Community Developmenmt Officer ng NCIP sinabi niya na dahil sa teknolohiya ay unti-unting nawawala ang kultura o nakagawian dahil sa samut-saring nakikita sa social media gamit ang cellphone at internet.
Dumalaw ang NCIP Cauayan kasama ang National Museum of the Philippines sa bahagi ng Palanan Isabela upang bisitahin ang Agta Community sa lugar.
Layon nila ay pag-aralan ang kultura ng mga Agta at makakuha ng artifacts na maaring mailagay sa museum at maipresere para sa susunod na henerasyon.
Nangangamba kasi ang NCIP na maaring mawala ang kultura at magagandang gawi ng mga katutubo sa hinaharap dahil sa teknolohiya.
Bagamat hindi na ito maiiwasan ay kailangan pa rin namang mapreserve ang kultura na pwedeng ipasa sa susunod na henerasyon.











