--Ads--

CAUAYAN CITY –Inaresto ang isang kusinero matapos matuklasan sa isinagawang checkpoint sa Barangay Ragan Sur, Delfin Albano, Isabela ang dalang baril na nakalagay sa kanyang sling bag.

Ang dinakip ay si Roel Espinosa, 38 anyos, may asawa at residente ng Tuguegarao City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang suspek ay sakay ng kanyang motorsiklong walang plate number.

Pinara ng mga otoridad ang motorsiklo at nang tignan ang sling bag ng suspek ay tumambad sa kanila ang isang 9mm pistol na may sampong bala.

--Ads--

Si Espinosa ay nasa pangangalaga na ng Delfin Albano Police Station at sasampahan ng kasong paglabag sa Repblic Act 10591 o illigal possession of firearms.