--Ads--

CAUAYAN CITY – Natunton ng militar ang kuta ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa bulubunduking bahagi ng Gonzaga, Cagayan kaninang umaga.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Capt. Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th ID, Philippine Army sa Gamu, Isabela na sa tulong ng mga mamamayan ay natunton ng mga sundalo ng 501st Infantry Brigade, Philippine Army ang kuta ng mga NPA sa naturang lugar.
Aniya, tinatayang 40 na miyembro ng NPA ang nasa lugar at sila ay hinihinalang miyembro ng Komiteng Rehiyon ng Cagayan Valley at posibleng nagsagawa ng pagpupulong para sa nalalapit na anibersaryo ng NPA.
Nagsagawa ng hot pursuit operation mga sundalo sa lugar katuwang ang Philippine Air Force (PAF).
--Ads--










