--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang La Niña alert mula sa La Niña watch nitong Byernes.

Ang La Niña ay inaasahang magsisimula sa August-September-October season na magpapatuloy hanggang unang kwarter ng 2025.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ramil Tuppil, Chief Meteorologist ng PAGASA-DOST sa Echague Isabela, sinabi niya na batay sa climate monitoring at analysis ng state weather bureau sa mga models nasa pitumpung bahagdan na ang tiyansa ng pagkabuo ng La Niña.

Dahil dito ay ipinalabas na ng weather bureau ang La Niña alert bagamat sa ngayon ay nasa neutral condition pa ang tropical pacific.

--Ads--

Kapag tumaas pa ang percentage ay muling magpapalabas ng advisory ang bureau.

Ang La Niña ay ang matagal na tag-ulan dahil sa pagbaba ng temperatura sa silangang bahagi ng karagatang Pasipiko na nagreresulta naman ng mas higit sa normal na pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.