--Ads--

CAUAYAN CITY- Natagpuan ang bangkay ng isang bagong silang na sanggol sa talahiban malapit sa pampang sa Barangay San Antonio North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat ng Bambang Police Station, isang batang lalaki ang sanggol na natagpuang nakabalot sa isang karton. Maputla ang kutis nito, hindi pa napuputol ang pusod, at nagsisimula nang mangamoy.

Agad na ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang insidente. Rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at MDRRMO at dinala ang bangkay ng sanggol sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital para sa medico-legal examination.

Patuloy na iniimbestigahan ng Bambang Police Station kung sino ang mga magulang ng sanggol at ang mga posibleng dahilan ng pag-abandona o pagpapabaya.

--Ads--