
CAUAYAN CITY – Naitala sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang 13 na magkakasunod na pagyanig batay sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Disaster Risaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS).
Ayon kay PDRRM Officer Robert Corpuz, nakaantabay ang kanilang opisina maging ang mga heavy equipment ng Provincial Engineering Office at patuloy ring naka-monitor ang mga kawani ng MDRRMO sa mga bayan na naapektuhan ng lindol.
Paalala ni Ginoong Corpuz na bagaman walang makakapagsabi kung kailan tatama ang lindol, maiiwasan ang kapahamakan kung handa sa anumang posibleng mangyari sakaling may malakas na pagyanig.
Naitala ang 4.2 magnitude na lindol sa bayan ng Ambaguio dakong 5:58 ng hapon habang ang intensity 2 ay naitala sa bahagi ng Baler, Aurora at intensity 1 sa San Jose, Nueva Ecija at Dagupan City, Pangasinan.
Dakong 6:03 kagabi ay naganap ang magnitude 3.8 sa bayan ng Ambaguio, intensity 3 sa Baguio City; Itogon, Benguet; Bayombong, Nueva Vizcaya at Intensity 2 sa Maria Aurora, Aurora Province.
Dakong 06:34PM ay naitala ang magnitude 1.7 sa bayan pa rin ng Ambaguio habang 06:52PM ay naitala ang 1.8 magnitude.
Bandang 06:53PM ay naitala ang magnitude 1.7 habang 07:01PM ay magnitude 1.8 sa nasabi pa ring bayan.
Sinundan ito ng magnitude 1.6 dakong 07:15PM habang 07:29PM ay magnitude 2.1, 07:35 PM ay magnitude 2.0.
Bandang 08:04PM ay magnitude 1.6, 08:08PM ay magnitude 2.6, 8:31PM ay magnitude 3.2 at ang huling pagyanig ay naganap 08:52PM at naitala sa magnitude 2.6.











