--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ng tatlong buwan ang Labor attache ng Dubai para mapauwi sa bansa ang 280 na OFW’s na nagkanlong sa mga shelter matapos mabiktima ng illegal recruiter.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Bello na sa kanyang pagdalo sa Global Government Summit sa Dubai mula Feb 9-11, 2019 na dinaluhan ng mga Labor Minister sa Asia at Middleast ay napag-alaman niya ang sitwasyon ng 280 OFW’s na tumakas mula sa kanilang mga amo

Ito ay dahil biktima sila ng pagmamaltrato, hindi tamang pasahod at ang iba ay kinuha ng kanilang amo ang kanilang pasaporte

Hindi sila dumaan sa POEA dahil wala silang mga papeles kundi nakapunta sila sa Dubai sa pamamagitan ng kanilang tourist visa.

--Ads--

Nagbabala umano si Secretary Bello ay Labor Attache Felicitas Bay na siya ang pauuwiin sa bansa kapag hindi nagawan ng paraan para maibalik sa bansa ang mga undocumented OFW’s.

Sinabi pa ni Kalihim Bello na makikipagpulong sila sa DOJ at BI para hindi makaalis sa bansa ang mga biktima ng illegal recruiter..Ito ay sa pamamagitan ng paghihigpit sa imigrasyon.

Hindi na paalisin sa bansa ang mga may tourist visa na sa hitsura ay wala namang kakayahan na magtour o mamasyal sa ibang bansa dahil ang pakay nila ay maghanap ng trabaho sa ibang bansa.