--Ads--

CAUAYAN CITY – Tutugunan ni Labor Secretary Silvestre Bello ang hinaing ng ilang OFW sa Oman na isang beses kada araw na lang sila kumain dahil wala silang natatanggap na tulong at hindi sinasagot ng Embahada ng Pilipinas ang kanilang mga mensahe sa pamamagitan ng email.

Nauna rito ay idinulog ng Bombo Radyo Cauayan kay Sec.Bello ang sitwasyon ng ilang OFW kabilang si Joel Agustin na tubong Nueva Ecija at waiter sa Oman ngunit sarado dahil sa lockdown ang pinaglilingkurang restaurant.

Sinabi ni Ginoong Agustin na noong Pebrero pa sila huling sumahod at naipadala nila sa kanilang pamilya sa Pilipinas ang bahagi ng kanilang sahod.

Wala silang natatanggap na tulong kaya tinitipid nila ang kanilang pagkain.

--Ads--

Hindi anya sila kumakain ng agahan at pananghalian kundi sa gabi na lamang sila kakain.

Sinabi ni Kalihim Bello na kakausapin niya ang Labor Attache sa Oman para tingnan ang sitwasyon ni Agustin at mga kasamang Pinoy.

Tinig ni Labor Sec. Silvestre Bello III

Nabanta ang kalihim na agad niyang irerecall o pauuwiin ang labor attache kung mapapatunayan na walang ginagawang hakbang para matulungan o mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFW’s sa Oman.