--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumasailalim sa home-quarantine sa kanyang bahay sa Lunsod ng Ilagan si Kalihim Silvestre Bello III ng DOLE matapos matapos magpositibo sa RT-PCR test.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kalihim Bello, sinabi niya na wala siyang  nararamdamang sintomas ng COVID-19. Ang kalihim ay fully vaccinated na kontra COVID-19.

Nanggaling siya sa Maynila noong gabi ng Biyernes kasama ang kanyang dalawang staff at umuwi sa lunsod ng Ilagan para sa payout ng programa ng DOLE TUPAD at  DOLE CAMP.

Aniya nais ng kanyang tsuper  na bumalik sa Metro Manila ngunit iginiit ni Sec. Bello na kailangang sumailalim ito sa RT PCR Test upang matiyak na siya ay hindi carrier ng virus.

--Ads--

Dahil dito ay hiniling niya sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC na magpaswab sila sa kanyang bahay at positibo ang resulta ng kanilang swab test kaya agad na silang sumailalim sa home guarantine habang nasa quarantine facility naman ang kanyang tsuper.

Wala  siyang nararamdamang sintomas at normal din ang kanyang blood pressure at oxygen level batay sa pagsusuri ng CVMC kaya magpapatuloy pa rin siya sa kanyang trabaho.

Ang bahagi ng pahayag ni Kalihim Silvestre Bello III ng DOLE.