--Ads--

CAUAYAN CITY- Nanindigan si Labor Secretary Silvestra Bello III na hindi siya magbibitiw sa puwesto sa kabila ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Kalihim Bello na nauna nang binanggit ni Presidetial Spokesman Harry Roque na malaki pa rin ang tiwala ng Pangulo sa kanya kaya walang dahilan para siya bumaba sa kanyang puwesto.

Anya malinis ang kanyang konsensiya at kanya pang hinamon ang mga nagsasabing sangkot siya sa katiwalian na magsampa ng kaso sa DOJ at Ombudsman laban sa kanya ay maglabas din ng mga katibayan.

Magbibitiw lamang anya siya sa puwesto kung mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang magsasabi sa kanya.

--Ads--

Nanindigan si Labor Secretary Bello na nanatiling simple lamang ang kanyang pamumuhay.