
CAUAYAN CITY – Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) region 2 ang 50 pesos hanggang 75 pesos na pagtaas ng arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa ikalawang rehiyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, ini-anunsiyo mismo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na 50 pesos wage hike ang inaprubahan ng RTWPB region 2 sa non-agricultural sector kaya ang kasalukuyang 370 pesos na arawang sahod ay magiging 420 pesos na.
Sa mga agricutural na kasalukuyang 345 pesos ay madadagdagan ng 55 pesos kaya magiging 400 pesos na.
Sa mga business enterprises na may kawani na 10 pababa ay madadagdagan ng 75 pesos ang kasalukuyang 345 pesos kaya magiging 420 pesos na ang arawang sahod.
Ayon kay kalihim Bello, ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa ikalawang rehiyon ay magkakabisa 15 na araw matapos na ilathala ng RTWPB region 2.




