--Ads--

CAUAYAN – Wellcome para kay Labor Secrteray Silvestre Bello III, siya ring Chief Negotiator ng Government Panel ang sinumang nagnanais magsagawa ng back channeling talks sa Communist Party of the Philipines ( CPP) .

Ito ang naging reaksiyon ni Secretary Bello kaugnay sa naging pahayag ng miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board na si Avelino Billy Andal na umanoy iniutos sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng pakikipag-usap kay CPP Founder Jose Maria Sison.

Subalit nilinaw ng kalihim na wala siyang alam ukol sa naging pahayag ni Andal at kanyang nilinaw na ang GRP Negotiating Panel ang kumikilos para magkaroon ng pakikipag-usap sa CPP.

Gayunman, inihayag pa ng kalihim na wellcome naman para sa kanila sakaling may ibang opisyal na magsagawa ng back channeling talks dahil ang mahalaga ay makamit ang kapayapaan sa bansa.

--Ads--

Sa ngayon anya gumagawa pa rin umano ang pamahalaan ng pamamaraan para makamit ang matagal nang inaasam-asam n kapayapaan sa bansa.