--Ads--

CAUAYAN CITY -Inihahanda na ang kaso laban sa isang laborer na nasamsaman ng baril, granada at hinihinalang Shabu sa isang videoke bar sa Brgy Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Si Mariano Gumme Jr, 33 anyos, binata, laborer residente ng Poblacion West, Lamut, Ifugao ay inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehnsive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act) .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Insp. Samuel Lopez , hepe ng Bambang Police Station na mayroong nagparating sa kanilang himpilan na isang lalaki ang nasa videoke bar na nakikipag-inuman at may dalang baril.

Kaagad na nagsagawa ng operasyon ang mga pulis at nagsagawa ng oplan bakal sa nasabing videoke bar ngunit kaagad na bumunot ng baril ang suspek saka tinutukan at pinaputukan ang isang pulis ngunit hindi pumutok ang kanyang baril.

--Ads--

Nagtakbuhan ang mga kasamahan ng suspek ngunit kaagad na nadakip si Gumme.

Nakuha sa pag-iingat ni Gumme ang isang Cal. 38 baril, isang granada at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.