--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang laborer matapos ang matagumpay na ikinasang anti-Illegal drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Purok 7, Brgy. Ambatali, Ramon, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office kinilala ang suspek na si alyas “Ikko” na isang newly identified drug personality.

Sa pinagsanib ng pwersa ng kapulisan at sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency- Region 2 nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang pirasong genuine Php500.00 Peso Bill na ginamit bilang buy-bust money, isang unit ng itim na smartphone, isang piraso ng kulay berdeng pouch at isang nakaselyong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu(buy-bust item).

Sa ngayon, nasa pangangalag ng Ramon Poice Stationa ng suspek kasama ang mga nasamsam na ebidensiya.  

--Ads--

Nahaharap sa kasong paglabang sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.