CAUAYAN CITY- Naaresto ng mga tauhan ng PNP at PDEA ang isang 19-anyos na lalaki na kinilala sa alyas na “JD” sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 6, Bypass Road, Barangay Sinsayon, Santiago City.
Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 0.5 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa plastic sachet, ayon sa mga operatiba.
Sa ulat ng pulisya, si JD ay out-of-school youth na kasalukuyang nagtatrabaho bilang laborer at residente ng Purok 7, Barangay Turod Sur, Cordon, Isabela.
Tinatayang nasa halagang ₱3,400.00 ang nakuhang iligal na droga mula sa suspek.
Inamin umano ni JD na nagbebenta ng bawal na gamot upang makaagapay sa pang-araw-araw na gastusin dahil sa kawalan ng trabaho.
Kasalukuyang nasa kustodiya na siya ng PNP Santiago Station 4 ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.











