CAUAYAN CITY- Arestado ang isang helper matapos sampahan ng kasong pagnanakaw sa lungsod ng Cauayan.
Matagumpay na nahuli ang akusado matapos magsagawa ng manhunt operation ang mga kapulisan ng Isabela.
Ang akusado ay itinago sa alyas na Arjhay, 27-anyos, lalaki, at residente ng CMP Padilla, Tagaran Cauayan City.
Batay sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Daniel Acob ng Barangay Tagaran, na siyang naghatid ng subpoena sa akusado, aniya ang nangyaring nakawan ay naganap sa Barangay Alicaocao kung saan pinagnakawan ng akusado at dalawa pang indibidwal ang hardware na kanilang pinagtatrabauhan.
Ginamit pa aniya ng akusado ang delivery truck ng hardware para maipuslit o manakaw ang mga bakal na umabot sa halagang 75,000 pesos.
Bagama’t noong Oktubre pa umano nangyari ang pagnanakaw ay hindi ito agad nahuli dahil nag tago ito sa ibang lugar.
Samantala, kahit pa man aniya sa ibang barangay nangyari ang nakawan ay pinaiigting pa rin nila ang pagroronda sa gabi upang makatiyak na walang manakawan lalo pa at mayroon silang ka barangay na may record na sa nasabing krimen.
Sa ngayon ang akusado ay nasa kustofiya na ng Cauayan City Police Station na nahaharap sa kasong Qualified Theft na may inirerekomendang pyansa na 10,000 pesos para sa kanyang pansamantalang pag laya.