--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang laborer matapos madakip sa ikinasang drug buy bust operation ng pulisya sa Barangay Sampaloc, Cabatuan, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang suspek ay nakilalang si Emerson Morales, 22-anyos , laborer na residente ng San Mateo, Isabela.

Nasamsam sa kaniyang pagiingat ang isang pakete ng shabu at buy bust money na dalawang libong piso.

Ayon sa suspek na nais niya lamang sanang  kumita sa pamamagitan ng paghahatid ng droga subalit hindi niya alam na pulis na pala ang kaniyang katransaksyon.

--Ads--

Maliban sa paghahatid ng droga ay naghahanap din siya ng supplier para sa mga gustong gumamit ng droga.

Kasama namang naaresto ng pulisya ang stepdaughter ng suspek na isang labing dalawang taong gulang na agad namang ipinasakamay sa Department of Welfare and Development o DSWD.