--Ads--

CAUAYAN CITY-Inaresto ng mga otoridad ang isang laborer sa isinagawang drug buybust operation sa Purok 2, San Ramon, Aglipay, Quirino.

Ang inaresto ay si Kennedy Ulila,28 anyos, May-asawa, laborer, residente ng nasabing lugar.

Ang mga kasapi ng Aglipay Police Station at P.I.B. Quirino ay nagsagawa ng drug buybust operation kung saan isa ang nagsilbing poseur buyer.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang kahon ng posporo na naglalaman ni hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at buy bust money.

--Ads--

Si Ulila ay dinala sa Aglipay Police Station at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).