--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasamsam ng hinihinalang shabu ang isang laborer na nanggugulo sa kanilang bahay sa Jones, Isabela.

Nauna rito ay nakatanggap ang Jones Police Station ng tawag na ang suspek na si Arjay Monzon, 24 anyos, isang laborer, residente ng San Vicente Jones, Isabela ay nanggugulo sa kanilang bahay at sa pagtugon ng pulisya nakitang may hawak na itak si Monzon.

Biglang tumakbo ang suspek sa loob ng kanilang bahay na sinundan ng mga pulis at kinuha ang itak na hawak ngunit biglang nahulog ang isang sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu mula kay Monzon

Dinala sa himpilan ng pulisya si Monzon para sa kaukulang disposisyon

--Ads--

Samanatala, dinakip ng mga kasapi ng Alicia Police Station si Olando Vidad, 36 anyos, construction worker, residente ng Victoria, Alicia, Isabela.

Positibong nakabili sa suspek ng isang binalot ng papel na hinihinalang marijuana ang nagsilbing poseur buyer.

Kaagad dinala sa himpilan ng pulisya ang pinaghihinalaan at inihahanda na ang kasong Paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa kanya.