--Ads--

CAUAYAN CITY– patuloy ang isinasagawang search and retrieval operations sa katawan ng ng isang laborer na hinihinalang nalunod sa ilog sa Echague, Isabela

Nakilala ang hinihinalang nalunod na si Rex Ferndez , 20 anyos, binata, laborer at residente ng Brgy. Villa Victoria, Echague, Isabela.

Ang biktima kasama si Gody Ferndez , 33 anyos, binata, isa ring laborer ay nagkasundong mangisda sa kabila ng masama ang lagay ng panahon dulot ng bagyong Ambo.

Sakay ang dalawa sa bangka nang biglang tumaob dahil sa lakas ng agos ng tubig.

--Ads--

Sinubukang iligtas ng mga nakakitang mangingisda ang mga biktima ngunit tuluyang hindi na makita si Fernandez.

Patuloy nang pinaghahanap ng mga kasapi ng MDRRMC, PNP Echague, mga opisyal ng barangay .