--Ads--

Binalaan ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III ang lahat ng mga addict na tigilan na ang pagbibisyo dahil walang buti itong idudulot sa katawan.

Ang babala ay ginawa ni Torre kasabay ng pahayag na lahat ng addict ay pangit.

Kasabay ng kanyang panawagan at babala ang pagkakaaresto sa limang estudyante sa Puerto Princesa City, Palawan na umano’y responsable sa pagbebenta ng “tuklaw” o black cigarettes na may halong synthetic cannabinoid na nagdudulot ng matinding pangingisay.

Nakuha rin sa kanila ang marijuana, at mahaharap sila sa kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

--Ads--

Nangyari ang operasyon matapos mag-viral ang mga video ng kabataang nangingisay sa kalsada matapos umanong humithit ng “tuklaw”.

Ayon kay Torre, ibinebenta ito online sa halagang ?300 bawat milliliter at tinutunton ngayon ng PNP ang pinagmumulan at mga ruta ng ilegal na kalakalan.