CAUAYAN CITY– Hiniling ni Isabela Governor Rodito Albano sa mga lokal na opisyal ng Isabela na magtipid at huwag ng lumayo sa isinasagawang lakbay-aral sa isinagawang joint meeting ng provincial development council at provincial peace and order council na isinagawa sa kapitolyo ng lalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Romy Santos, ang media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sinabi niya na inilahad ni Governor Albano ang kanyang unang ipinalabas na Executive Order na rationalizing.
Ito ay ang pagsasagawa ng mga lakbay-aral o pagtungo sa malalayong lugar.
Aniya, ang nais ng punong lalawigan ay limitahan ito o di kaya naman ay isagawa na lamang dito sa rehiyon o lalawigan ang mga ginagawang lakbay-aral para sa ganoon ay dito lamang sa rehiyon o lalawigan iikot ang pera na kanilang gagamitin.
Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Rodito Albano sinabi niya na bukod sa gastos lamang ang lakbay-aral ng mga opisyal ay nauubos din ang IRA ng kanilang mga nasasakupan.
Aniya, matatalino na ang mga opisyal dito sa lalawigan at hindi na nila kailangan pang sumailalim sa lakbay-aral.





