--Ads--

Dalawang buwan nang naninirahan sa ilalim ng dagat ang isang 59-taong gulang na lalaki upang makamit ang Guinness World Record title na “Longest Time Spent ­Living in an Underwater Fixed Habitat”.

Mahigit 60 days nang nakatira sa loob ng underwater capsule si Rudiger Koch, sa baybayin ng Puerto Lindo, Panama, sa Caribbean Sea.

Sa mahigit dalawang buwan niyang pananatili rito, dito na rin niya ginagawa ang lahat ng kanyang trabaho bilang isang aerospace engineer.

Ang kanyang tirahan ay may sukat na 322 square feet. May mga pasilidad ito tulad ng portable toilet, TV, computer, kama, stationary bike, solar power, satellite Internet, at mga bentilador.

--Ads--

Sinimulan ni Koch ang kanyang world record attempt noong Setyembre 26 at plano niyang umahon mula sa ilalim ng dagat sa Enero 24, matapos ang kabuuang 120 days na pananatili.

Ang kasalukuyang record na kailangang lampasan ni Koch ay 100 araw na naitala ni Joseph Dituri noong 2023 sa Florida.