--Ads--

Arestado ang isang lalake dahil sa iligal na paggamit ng Police uniform, Insignia at nasamsaman din ng baril.

Matagumpay na naaresto ang isang lalaking nasasangkot sa paglabag sa kasong Article 179 ng Revise Penal Code (Illegal Use of Uniform or Insignia) sa Purok 1 Brgy. Silawit, Cauayan City, Isabela.

Ang suspek si alyas “Jonel” na nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Cauayan City Police Station katuwang ang RMU2 sa bisa ng Warrant of Arrest.

Habang isinasagawa ang operasyon ay napansin ng mga pulis na may dala itong sling bag kaya agad silang nagsagawa ng Body Search maging ang pagsusuri sa sling bag nito.

--Ads--

Inutusan ng mga otoridad ang asawa ng suspek na buksan ang nasabing bag at inilabas nito ang Isang piraso ng Glock 22 Gen 4 USA pistol na may magazine at 15 Live ammunition ng Caliber 40mm; Isang piraso ng magazine na may lamang 15 live ammunition ng Caliber 9mm at walong piraso ng live ammunition for Caliber 45.

Hiningan ng mga otoridad ang nasabing suspek ng mga dokumento ng nasabing baril ngunit bigo itong maipresenta, dahilan upang ito ay kumpiskahin.

Ang suspek ay dinala sa Cauayan City Police Station at inihahanda na ang isa pang kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isasampa laban sa kanya.