--Ads--

Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Ilagan City Police Station – Drug Enforcement Unit (Ilagan CCPS-DEU) at PDEA Regional Office 2, ang isang lalaki matapos masamsaman ng iligal na droga sa Barangay Sta. Barbara, City of Ilagan, Isabela.

ang suspek ay 20-anyos na kilala sa alyas na “Bert”, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Sta. Barbara, City of Ilagan, Isabela.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang piraso ng folded white paper na naglalaman ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana na may fruiting tops (buy-bust stuff); isang piraso ng genuine ₱500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money; isang unit Honor Android cellphone na may transparent case.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay agad na minarkahan at inimbentaryo habang ang suspek ay dinala sa himpila ng pulisya at kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ads--