--Ads--

Timbog ang isang lalaki sa operasyon ng Sta. Maria Municipal Police Station matapos mahuling gumagamit ng chainsaw nang walang kaukulang permit sa Barangay San Antonio, Sta. Maria, Isabela.

Ang suspek ay itinago sa Alyas “Michael,” trentay sais anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng Purok 5, Barangay Binatug, San Mariano, Isabela.

‎Batay sa paunang imbestigasyon, nagsasagawa ng intelligence monitoring ang mga pulis sa lugar nang mamataan ang suspek na namumutol ng bilog na troso gamit ang chainsaw.

‎Nang beripikahin ng mga awtoridad, nabigo itong makapagpakita ng kaukulang permit at dokumento, dahilan upang siya ay agad na arestuhin.

--Ads--

‎Dinala ang suspek sa ospital para sa physical examination bago isinailalim sa dokumentasyon at wastong disposisyon sa Sta. Maria Municipal Police Station.

‎Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9175 o Chainsaw Act of 2002.

‎Samantala, patuloy na pinaigting ng kapulisan ang operasyon laban sa mga iligal na gawain na nakasisira sa kalikasan at hinikayat ang publiko na makipagtulungan at mag-ulat ng mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar.