CAUAYAN CITY- Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang isang indibidwal sa kasong pagnanakaw sa Barangay Baccari, Paracelis, Mountain Province.
Ang naturang suspek ay kinilalang si alyas “Jhonny” may asawa, Magsasaka at tubong residente ng Cabaroguis, Quirino.
Ang operasyon ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad na pinangunahan ng Aurora PS (lead Unit) katuwang ang PIU, IPPO, PIDMU-IPPO, 205th Coy RMFB2, RIU2, 1st IPMFC, CIDG Santiago Field Unit at RMU2 sa bisa ng Mandamiento de Arresto na inisyu noong July 30, 2025 na pinalabas ng isang Presiding Judge , Second Judicial Region, Regional Trial Court Roxas, Isabela sa kasong paglabag sa Art.293 ng RPC (Robbery) na mayroong inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng PHP100,000.00 para sa kaniyang pansamantalang Kalayaan.
Matapos ang operasyon ay kaagad na dinala ang suspek sa Aurora Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago ibalik sa korteng pinanggalingan.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay isa lamang patunay na ang PNP ay mabilis kung umaksyon at tunay na maasahan sapagkat hndi habambuhay makakapagtago sa batas ang sinumang kriminal sa ating komunidad .











