Timbog ng mga awtoridad ang isang 51-anyos na lalaki na bagong tukoy na drug personality at nakategorya bilang Street Level Individual (SLI) sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Baybayabas, Brgy. Sta. Rosa, Peñarrubia, Abra.
Nasamsam ng mga operatiba ng PNP Abra, RMFB 1504th MC, at PDEG SOU CAR mula sa suspek ang 1 heat-sealed na transparent plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu na tumitimbang ng .65 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱4,420.00, 2 heat-sealed sachet na may hinihinalang shabu na tumitimbang ng 3.01 gramo at may halagang ₱20,468.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Peñarrubia Municipal Police Station ang suspek at sasampahan ng kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).
Ayon sa PNP Abra, nagsisilbing babala ito sa mga sangkot sa ilegal na droga at patunay ng tuloy-tuloy nilang kampanya kontra sa ipinagbabawal na gamot.











