--Ads--

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation kahapon sa Barangay San Fermin, Cauayan City.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Miko,” 31 taong gulang, at residente ng Alicia, Isabela.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, unang tinangka ang pag-aresto sa kanya sa Brgy. District I, ngunit nagtangka umano siyang tumakas, dahilan upang umabot ang habulan hanggang sa Brgy. San Fermin kung saan siya nahuli.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspek ang isang Android phone, pera, susi ng motorsiklo, ang mismong motorsiklong kanyang ginamit, at dalawang sachet ng hinihinalang ilegal na droga.

--Ads--

Sa ngayon, dinala na sa Cauayan City Police Station ang suspek para sa masusing imbestigasyon at paghahain ng kaukulang kaso laban sa kanya.