--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ang isang lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation sa bypass Road, Bagahabag, Solano, Nueva Vizcaya

Ang naaresto ay si Limuel Carbonel, tatlumpot apat na taong gulang, may-asawa at residente ng Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Ang Municipal Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni PMaj Anthony Ayungo, hepe ng Solano Police Station sa koordinasyon sa PDEA Region 2 ay nagsagawa ng operasyon na nagbunga ng pagkaaresto ng suspek.

Ang umaktong buyer ay nakabili kay Carbonel ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may street value na limandaang piso.

--Ads--

Nakuha rin sa kanyang pag-iingat ang dalawang piraso ng folded aluminum foil, isang libong pisong buy bust money, maliit na plastic sachet na may chemical residue at nakha sa kanyang motorsiklo.

Sasampahan si Carbonel ng kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.