Arestado ang isang lalaki dahil sa ilegal na pagbebenta ng baril sa Barangay Alibagu, Ilagan City, Isabela.
Ang suspek ay si alias “Carding”, 33-anyos at residente ng Banquero, Reina Mercedes, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Police Regional Office 2, napag-alaman na nadakip ang suspek matapos nitong magbenta ng baril at ammunition sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela, Provincial Field Unit (PFU), RMU2, Isabela MLET, Isabela Provincial Intelligence Unit – Provincial Drug Enforcement Unit (PIU-PDEU), at Ilagan City Police Station.
Nakuha sa kaniyang pag-iingat ang Caliber 9mm Taurus Pistol, 2 steel magazines, 15 rounds ng live ammunition, isang genuine 1,000 peso bill, 44 piraso ng boodle money at iba pang personal na gamit ng suspek.
Ang pinaghihinalaan maging ang mga nasamsam na ebidensiya ay dinala sa CIDG Isabela PFU Office para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 32, Article V ng Republict Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code of the Philippines.











