--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ang isang lalaki matapos maaktuhang nagbebenta ng Brazilian Tarantula sa San Mateo, Isabela.

Nasamsam ng mga kasapi ng San Mateo Police Station at kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) mula sa pinaghihinalaan ang limang kahon na may mga lamang itim at puting Tarantula.

Ayon sa kaanak ng nadakip, maliliit pa lamang ang mga tarantula ay inaalagaan na ito ng suspek.

Hindi naman nila batid kung saan galing ang alagang tarantula ng kanilang kaanak.

--Ads--

Ayon sa DENR, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aalaga ng tarantula kung wala itong kaukulang dokumento o permit.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng San Mateo Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.